Sunday, May 31, 2009

Half Full or Half Empty?

The way we face life defines our character. Some of us may see this glass half full while others may consider this one as half empty. A little of everything may be enough while on the contrary, too much of everything is never enough.

Ang gusto daw ng isang tao ay mahirap mapunan. Pag nabiyayaan ng ganito, maghahangad pa ng ganyan. Pag nakamit ang gusto, meron pa uling gugustuhin. Talagang mahirap makuntento, ika nga. Sa pagkakuntento ng isang tao, doon mo makikita ang pananaw nya at ambisyon sa buhay.

Saturday, May 30, 2009

Catch

What makes a catch something special? Most probably if it is extra ordinary, a rare kind, or the best of its kind. Are you a good catch?

Para daw maging good catch tayo, dapat matuto tayong mag upgrade ng sarili at magiging competitive. Iba naman ung puro daldal at bola lang.

Friday, May 29, 2009

Reflection

The only way for us to see ourselves is by reflection. Though we look at the mirror everyday, we happened not to see ourselves. True. Most probably, we spend less time to evaluate what we have become and what we are as time goes by.

Mas nakikita raw natin ang dumi sa mukha ng ating kaharap kesa sa sarili nating mantsa. At malamang, madalas tayong mamuna ng ating kapwa. Marahil, kung maglalaan lang tayo ng sapat na panahon para tignan ang sarili sa salamin, malamang bago tayo pumuna ng iba ay sarili muna natin ang mapupuna natin.

Thursday, May 28, 2009

Masks

Just like a chameleon, we wear our own set of masks. Depending on our mood and ways, we let other people see the kind of mask we want them to see. And it takes a great talent for a person to shift one mask after the other depending on the crowd and the situation.

Sa saliw ng musika ng buhay, dapat marunong tayong sumayaw sa tugtog nito. At dapat matutunan din natin ang magpalit ng mukha kung kinakailangan para na rin sa ikakabuti natin at sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi naman ibig sabihin nito na maging deceiver tayo pero maige na rin 'yong tayo na lang ang nakakaalam ng mga struggles natin kesa sa ipasa pa natin sa iba at maapektuhan pati sila. Ano sa palagay mo?

Wednesday, May 27, 2009

Vacation

A simple moment like this one is priceless. Yet, this can a great prize for a lifetime. Spending a carefree day with the heart of a kid, makes a vacation truly wonderful.

Ang stress daw ang nagdudulot ng matinding sakit at eventually kamatayan sa mga taong sobrang busy sa buhay. Kaya't dapat maglaan ng libreng oras para magbakasyon para matanggal ang stress at makapagrelax. After all, buhay natin ito - dapat nating alagaan at pagyamanin. Kayat kung magbakasyon kayo, isama nyo naman ako para mas masaya. Hehe

Tuesday, May 26, 2009

Kayak

Our life is similar to these kayaks. As we venture into the sea of our everyday existence, we steer our own course. Our determination and goal helps us to stay afloat. However the tides of life toss us, our faith and will to survive defines our character.

Sige lang ang pagsagwan, habang nabubuhay. Paminsan-minsan tumatabi sa dalampasigan pag medyo pagod na at para na rin makaipon ulit ng lakas at makabwelo. Pero ang pinakamatinding challenge ay pag nasa gitna na ng dagat ng buhay at binabayo ng alon nito. Dito natin malalaman kung magiging matatag ba tayo o tataob na lang ang kayak ng buhay natin. The choice is yours, ika nga.

Monday, May 25, 2009

Music of Life

They say, music is the food of the soul. Music spice up our life. And most likely, we do find music uplifting whenever we are down and troubled. So play your music, dance with it, enjoy life, and continue on living.

Anong musika ng buhay mo? Pop, senti, r n b, ballad, folk, rock, o new wave? Kahit ano pa man iyon, dapat matuto tayong makisabay sa tugtog ng buhay. Ika nga, life goes on kahit ano pa man ang mangyari.

Sunday, May 24, 2009

Katig

Just like a line in Michael Jackson's song, "You are not alone." Definitely, we are not alone. There are always people around us. Though at times, when we experience the darkest moments of our life, good friends are hard to find. And if you happen to find one, treasure that one until the last of your days.
And in friendship, numbers don't count a lot. Ika nga, kahit isa o dalawa, ok na 'yon. Bibihira ka daw makatagpo ng kaibigan na mag stick sa side mo kahit anong alon ng buhay ang darating. Any testimonials?

Saturday, May 23, 2009

Swimming

Life is like taking a swim. Different strokes for different situations. As we age, we learn how to "swim" better.

Ang tanong nga sa Milo commercial, "Ikaw, anong kwento mo?" Baka pwede ka magshare. Hehe

Friday, May 22, 2009

Holding On

Why do we hold on? Maybe, we are afraid to let go. Maybe, we try to find comfort. Maybe, it is worth the fight. Maybe, it is all we've got. There could be so many maybe's and only us can justify that maybe. Most probably, we need some time to think and evaluate our position. And maybe, when the right time comes, we can rightfully declare if it is worth it or not.

Usually, sa simula lang masakit pag nag let go ka. Sabi nga nila, "Lilipas din yan." Pasasaan ba at ma-i-immune ka rin. Hehe. Ouch. Andito lang kami, friend. Kaya mo yan.

Thursday, May 21, 2009

Pair of Shoes

If the shoe fits, if it is comfortable, if you can afford it, and if you love it, then go get it. Nowadays, I am after for a comfortable pair of shoes. One that would not hurt my feet and flexible enough. Though the price would be a variable, I will go for comfort first and see if I can pull the string out of my wallet.

Pag bumili daw ng shoes, dapat me space para makagalaw ang mga daliri sa paa at para di maglitawan ang mga ugat dito.

Wednesday, May 20, 2009

Layers of Life

This pic was taken at SM Manila. Every time I visit this mall, I can't help myself admiring this spot all over again (I am thankful enough coz somehow my fear of heights is not overwhelming on this spot). I simply love taking pics of this spot all over again.

One time, sinubukan kong mag take ng pic sa pinakababa. Nakita ako ng supervisor. Nilapitan ako ng guard at pinabura sa akin ang pics kasi bawal daw. Buti na lang at nakuha ko itong pic from the top. Kahit na merong guard sa taas, di naman ako pinagsabihan na bawal kumuha ng pic. Sana magpost sila ng signage na bawal nga talagang kumuha ng pic. Sentimiento na to. Harhar. Paging SM. hehe

Tuesday, May 19, 2009

Wine

I am not really a wine lover. Though at times, I bought some wine just to have a taste of it and see if I'll like it. And most of the time, I don't like them. The ending, I gave them away. Hehe. Though there are some brands like Vodka raspberry/blueberry and Boones which I love to drink. And it is interesting to know that some people I know who loves to drink and those who have not tasted any wine, find this brand sweet enough.

One time, try ko naman yong "The Bar". Ok daw ung taste at me flavor na. Anyway, meron naman akong panghalo in case na matapang ang timpla nito. Inuman tayo minsan. Hehe

Monday, May 18, 2009

Hanging Lady

This lady in the zip line is really a stunner. Wow! With no effort at all, she crosses the line with delight. Though she remarked that it made her back ached. Nevertheless, everybody admired her move.

Wish ko lang pag ginawa ko ito, di iikot ang mundo ko at di ako magsuka. Hehe. Pic taken at La Mesa Eco Park.

Sunday, May 17, 2009

The Baguio Cathedral

When you visit Baguio, definitely you are not going to miss the opportunity to visit this cathedral (that is if you are a Catholic).

I felt blessed during that time because the rays of the sun was a wonderful sight alongside with the cathedral.

Saturday, May 16, 2009

Guitars

One day, I saw this display at SM Manila. With their vibrant colors, they reflect our colorful existence. And our every day life can be depicted with each music coming from these guitars.

Friday, May 15, 2009

Sunset @ Manila Bay

Most of the time daw, artists, nature lovers, at yong mga nagkakaedad ang nakaka-appreciate ng sunset. Malamang totoo nga. Kung wala sa listahan, di mo pa mawari o di mo pa mabigyan ng meaning ang sunset. Any violent reaction? Hehe

Thursday, May 14, 2009

Window

When God closes the door, He opens a window. In His own perfect time, a window of great opportunity awaits us.

Wednesday, May 13, 2009

Evening @ Intramuros, Manila


Ang isang lugar, lalo na pag madalas nating nakikita, ay nagiging ordinaryo sa paningin. Buti na lang at ang isang ordinaryong lugar na ito ay nagiging isang extraordinaryo dahil sa kamera. Kuha ito sa Intramuros, Manila.

Tuesday, May 12, 2009

Taglagas, Tagsibol


May panahong tagsibol at may panahong taglagas. Ganyan kabalanse ang buhay. Sana, sa bawat taglagas na mararanasan natin, lalo tayong magiging matibay at magiging mapagpakumbaba. At sa bawat biyaya ng tagsibol, mas lalo tayong maging mapagmalasakit at mapagmahal.

Monday, May 11, 2009

Viewdeck

Sa unang tingin, mukha itong isang military facility. Kuha ito sa SM Manila pero tinanggal na nila. O baka naman, pinalipad na papuntang space. Wahehe

Sunday, May 10, 2009

Spider

Kuha ito sa bahay namin sa probinsya. Eto ang uri ng gagambang hindi mapermis sa iisang lugar at hindi gumagawa ng sapot upang gawing bahay gaya ng mga kadalasan nating nakikita. Pero cool ang dating kasi kahit saan sya pumunta, daladala nya ang soon to be "babies" nya.

Saturday, May 9, 2009

Spicy Kornik at Mani

One time, napadaan ako sa Malolos, Bulacan. Todo ngiti talaga ako ng makita ko ang presentation ng mga tindera doon ng kornik at mani. Talaga namang pinangangalandakan ng paninda nila na "eto ang totoong spicy kornik at mani."

Friday, May 8, 2009

Reflection

Sabi nga, "Mas napupuna natin ang ibang tao kesa sa sarili natin." Most of the time, totoo talaga ang kasabihang ito. Malamang kung maglalaan lang tayo ng tamang oras para magreflect, malamang magkakaroon tayo siguro ng isang mundong puno ng pagmamahal at mayapa. Harinawa

Thursday, May 7, 2009

Mukhasim

Anak ito ng mag-asawa naming "honey". Aksidenteng nakatutok ang kamera ko sa kanya at talaga namang nakapa-candid ng dating. Mukhasim talaga.

Wednesday, May 6, 2009

Slipper

Nakita kong lumulutang-lutang ang tsinelas na ito sa Manila Bay. Bigla ko tuloy naalala ang experience ni Gat. Jose Rizal. Natanong ko tuloy sa sarili ko, "Asan na kaya ang kapares nito?"

Tuesday, May 5, 2009

Fishermen

Sobrang saludo ako sa mga mangingisdang ito. Nasa daanan sila ng barko at di matatawaran ang lalim ng dagat. Di ko talaga papangarapin ang magbangka ng ganito sa gitna ng laot. Bandang Panay island na ang barko na sinakyan ko papuntang Iloilo ng maispatan ko sila.

Monday, May 4, 2009

Path

The greatness of a man accords with the path that he takes - simplyDoTa

Sunday, May 3, 2009

Sunset at Libis, Quezon City

One time, nagkita kami sa Libis ng mga kaibigan ko. Sort of bonding moment. Habang wala pa sila, nagkukuha muna ako ng pics. Kaso lang hassle ang guard, for security reasons, bawal daw. Haha. Akala ata pinag-aaralan ko ang lugar. Sana lang me nakapost sa mga ganitong lugar na talagang "bawal" nga ang kumuha ng pics.

Saturday, May 2, 2009

View from Mt Tapyas


Usually, sa mga paintings ko lang nakikita ang ganitong view at art na rin. Kaya nga pag nasa galaan ako, trip ko ang magbabad sa isang lugar at i-explore ang ganda nito. View ito from Mt. Tapyas at Coron, Palawan.

Friday, May 1, 2009

Welcome

Wala na sigurong sasaya kung sa iyong pagkatok sa pinto ay isang mala-anghel ang magbubukas nito at nakangiting sasabihing "welcome po." Ano pa ba ang dapat antayin? Pasok na!

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP