Ordinaryo
Minsan, meron tayong mga nakikita o na-eencounter na ordinaryo sa ating paningin. Sa ating pang-araw araw na pamumuhay, nakikita natin sila o minsan ay nakakahalubilo pero taken for granted sila kasi di natin nakakikitaan ng importansya. Malay mo, ganon rin pala tayo sa kanila. :)
Pero kung magkakaroon lang sana tayo ng pagkakataon na makilala silang maige (o talagang sasadyain natin), doon natin mapapatunayan na espesyal pala sila. Sabi nga, bawat isa daw sa atin ay merong espesyal na katangian at isang challenge para sa atin na hanapin ito. At kung mahanap natin ito, magiging iba na ang ating pagtingin at pananaw.
Kaya nga't nakakatuwang isipin na merong mga nilalang na marunong mag-appreciate kahit na sabihin mo pang magkaiba sila ng mundo. Sa kanilang mumunting paraan, doon nila naipapakita at naipapadama na meron din silang mga katangian na namumukod tangi. At talagang sobrang mapalad ang mga nilalang na ito na makita at ma-appreciate ito.
Siguro nga tama ang kasabihang wag tayong mag expect ng sobra kasi baka madismaya lang tayo ng todo. Kung ano man ang meron sa atin, iyon ang ipakita natin. At meron naman tayong oportunidad at kapasidad na ito ay pagyamanin. At kung ano man ang meron sa ating mga kakilala, siguro tama na rin na matuto tayong mag-appreciate kahit na meron din silang mga kakulangan katulad natin.
At kung dumating ang panahon na matuto tayong magpahalaga ng ating kapwa at ng mga nasa paligid natin, iyon din siguro ang panahon na magiging extra-ordinary na ang tingin natin sa mundo. Sana nga, para ang lahat ng nakapaligid sa atin ay mabigyan natin ng tama at kaukulang atensyon.
At kahit na dumating man ang panahon na magkakahiwalay man ang ating mga landas, wala tayong mararamdamang pagsisisi. Tama lang na maging malungkot tayo pero wala tayong panghihinayangan kasi naibigay natin ang tamang importansya noong tayo ay merong pagkakataon.
0 comments:
Post a Comment