Friday, April 23, 2010

Game na Game

Sa lakaran, masarap yong meron kang makakasama na game na game, walang kyeme, walang arte. Sya yong tipo na pwedeng magsabing "bring it on."At definitely, tyak patok ang trip nyo. Maswerte ako kasi nakilala ko si Gerard Cawagdan. Nakasama ko sya last week end ng sumama ako sa group nila na gumala sa Zambales. At di ko rin akalain na ganon pala sya ka game.



Sa aming paglalakad sa baybayin ng isla ng Capones sa Zambales, sadyang attracted ako sa bawat hampas ng alon sa mga naglalakihang mga bato sa dalampasigan. Most of the time, mahilig talaga akong mag trip. Pero hindi naman ako ung tipong mag trip ng kahit na ano, nasa tama lang at hindi nakaka-agrabyado ng kapwa. Anyway, ni request ko sa kanya na umupo sa isang malaking bato kung saan humahampas ang alon at since okay lang din sa kanya ang mabasa, sobrang tuwa ko ng pinagbigyan nya ako.



Haha. Sobrang okay sa olright ang experience. Ng makita ko ang nangyari, gusto ko rin sanang subukin kaso lang me hawak akong camera. Sadyang masarap ang experience na humahampas ang alon sa iyo lalo na't tanghaling tapat at mainit. Masasabing mong the best cooling experience ever ang mga ganitong pagkakataon.



At since basa na rin sya at nag-eenjoy, hinanapan ko ulit sya ng isang pwesto. Talagang tyagaan ang pag-antay sa alon lalo na't di pa ganon kalakas ang hangin. Kailangan mo talagang mag-antay para sa inaasam asam na magandang effects ng paghampas ng alon.



Grabe! Sa sobrang ganda ng lugar at effects ng alon, kung ako lang ang masusunod, pwede akong maghapong magkukuha ng picture dito. Iba ang hatid na ligaya ng ganitong klaseng experience at bibihira lang din ako maka-encounter ng ganitong setting. Eto yong tipo ng experience na ma-aadik ka kasi alam mong hindi ito mauulit ng ganon-ganon lang. At malamang sa hindi, sasadyain mo ulit ang place na ito para ma-experience ang hype na dulot ng lugar na ito.



Kita mo nga naman at enjoy ang model ko sa kaka-emote. Nag portray pa pati sya ng pagiging isang survivor sa isla. At talagang mapapa-wow ka ganitong kakaiba at nakaka-elibs na eksena. Sana next time, ako naman. Sino ang gustong sumama? :))

0 comments:

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP