Tambay
May mga panahon na masarap tumambay lalo na pag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Lumalalim ang samahan at lalong napagtitibay ang pagkakaibigan.
Ang pagkakaroon ng mga kaibigan ay parte na ng ating buhay at ng ating pagkatao. Gusto natin na meron din tayong mga kaibigan na makakasama from time to time. May mga kaibigan tayong para lang sa kasiyahan at meron din tayong mga kaibigan na halos magkasanggang dikit na ang turingan.
Pero ang mga pagkakataong nagpapatatag ng ating samahan at pagkakaibigan ay nagsisimula sa mga mumunting bagay na katulad nito. Sa unang tingin, ito ay simpleng tambay lang. Pero kung mapapadalas ito na gawin ng magkakaibigan, hahantong na ito sa mas malalim na samahan.
At darating ang panahon na lalo mo itong bibigyan ng importansya dahil ang samahang nabuo ay pinagbigkis na ng panahon at sinubok na ng mga bagyo ng ating buhay. Isang samahan na nagsimula sa isang simpleng pagkakilala, sa mga pagkakataong patambay tambay lang, hanggang sa ito ay magkakaroon na ng malalim na kahulugan.
Kaya't ang mga alaalang katulad nito ay hindi dapat kalimutan dahil ito ay magiging isang matibay na pundasyon ng pagkakaibigang lalalim pa pagdating ng panahon. Ang mga ganitong simpleng pagtambay lang ay magiging isang daan para sa magiging higit pang matibay na ugnayan. At unti-unti ay magkakaroon tayo ng pagpapahalaga at pagkalinga sa isa't isa. Ang lahat ng ito ay pwedeng magkakaroon ng katuparan dahil sa isang simpleng pagtambay lamang.