Prutas
Sobrang swerte natin dahil sa buong taon, hindi nauubos ang iba't ibang uri ng prutas na pwede nating pagpipilian. Mapa supermarket, palengke, talipapa, o kanto man, palaging meron kang makikitang prutas.
At sino nga ba naman ang tatanggi kapag inalok mo ng prutas? Bukod sa masarap kainin ang mga ito, hindi rin matatawaran ang mga benepisyong dulot nito sa atin. Lalo na ngayong tag-init, sobrang sarap pumapak ng mga prutas na makakatas.
Minsan nga, meron tayong mga paboritong prutas na sadyang hanap-hanap. At talaga namang tulo laway tayo pag atin na itong nilalantakan.
Meron din namang kahit ito lang ang ating kakainin, solve na tayo. Effective din ito kapag gusto nating magdyeta. Kahit di magkita ng kanin sa gabi o sa tanghali ay okay lang.
Meron din na pwedeng pampartner sa kanin. Kahit walang ulam basta me mangga, makakaraos na ng isang kainan.
Me mga prutas din tayo na seasonal lang ang labas. Kayat marapat lang na matikman natin ang mga ito bago pa sila mawala ulit at magmahal ang presyo. Meron nga dyan na abot kamay lang natin at hindi na kelangang bilhin pa. Kayat habang me pagkakataon, pumitas na at eenjoy ang sarap na dulot ng mga ito.