Friday, April 24, 2009

Fuji Developing Center, Mr. Rudy Fontanilla

Nagpadevelop ako ng pics kahapon sa Fuji Developing Center bandang Sto. Domingo malapit sa Araneta Ave. Siguro matagal na rin since ng last visit ko at nagbago na pala sila ng business structure, nasa bukana na agad ung reception at dun na rin ung developing areas.

Actually, mura din ang developing cost dito parang sa Hidalgo din at di siksikan dito unlike sa Quiapo area. Meron na nga akong mga target pics na papadevelop ulit at naghanap na rin ng magandang papel. Gastos na naman to, hehe.

Since na unti lang naman ang mga nagpapadevelop, madali ko rin nakuha ang pics ko. More or less under 30 minutes and waiting time.

Out of the ordinary ang nangyari kahapon kasi nakilala ko ang pamangkin ko sa father side na nagwowork doon mismo sa Fuji at late that evening, nagkausap kami ng tito ko. Wow! After some time, meron na rin akong nakilalang kamag-anak. Sana lang magkaroon kami ng time ng brother ko na mabisita sila minsan.

The other good thing was, nakilala ko si Mr. Rudy Fontanilla. He was a retired military officer, kasabayan nina Gringo Honasan pero di sya graduate ng PMA. Nagretire sya sa service in the 80's, nagmigrate sa US, at doon kumuha ng formal course sa photography. Kahit noong nasa service pa sya, sya ang kumukuha ng mga pictures pag me mga military investigation at definitely, ang ganda ng kanyang exposure noon pa man.

Madalas syang out of the country at kumukuha ng mga wedding pictures. Member sya ng wedding federations at talagang kilala sya. At devoted film photographer sya which he prefers over digital cams. Syempre, given the years of experience, talagang master na nga nya ang craft nya.

Ang saya ng work nya kasi nga naman, nag eenjoy ka na, naiikot mo ang mundo, at kumikita ka pa. Para sa akin, yan ang tamang timpla ng isang rewarding career.

He offered me a ride papuntang Banawe, sa may Aperture, isang company selling photography products. Di ko akalain na ganon sya ka accommodating at along the way, marami syang na-iishare.

I found out later on na kababayan ko pala sya at nagkwentuhan na kami through our native dialect at two years ago, namyesta pa sya sa town namin. Ang saya! Pag umuuwi lang ako nakakapagsalita ng dialect namin and it is really something wonderful na meron kang makakasama at makakasalamuha na pareho kayong nagkakaintindihan.

Sana, pagdating ng panahon, me ma experience din akong ganong opportunity na kumita through my hobby. Wish ko lang.

0 comments:

Post a Comment

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP