Thursday, April 30, 2009

Breakfast @ Coron Village

Breakfast is the most important meal at pag ganito kaganda ang ambiance, siguradong gaganahan ka lalong kumain.

Wednesday, April 29, 2009

Blazing Sunset


Almost 7pm na at wala na akong makunan sa resort for the simple reason na madilim na ang paligid at kelangan ng flash sa bawat pic na kukunan. Napakaganda ng sunset at yon ang pinagtripan kong kunan.

Tuesday, April 28, 2009

Silhouette

Taken from Maquinit hot spring (Coron, Palawan). Napakastriking ng image ng isa sa mga staff ng resort kasama na ang ilaw na nakasabit sa puno ng bakawan.

Monday, April 27, 2009

Cayangan Lagoon Quadrant

Kagagaling lang namin ng Cayangan lake at talaga namang walang tatalo sa pambato ng mga taga Coron pagdating sa ganda at linis ng lake nila.

Past 5pm na at ang ganda ng effect ng image ng bundok na tumama sa lagoon na hinati ng sky sa kaliwa.

Friday, April 24, 2009

Fuji Developing Center, Mr. Rudy Fontanilla

Nagpadevelop ako ng pics kahapon sa Fuji Developing Center bandang Sto. Domingo malapit sa Araneta Ave. Siguro matagal na rin since ng last visit ko at nagbago na pala sila ng business structure, nasa bukana na agad ung reception at dun na rin ung developing areas.

Actually, mura din ang developing cost dito parang sa Hidalgo din at di siksikan dito unlike sa Quiapo area. Meron na nga akong mga target pics na papadevelop ulit at naghanap na rin ng magandang papel. Gastos na naman to, hehe.

Since na unti lang naman ang mga nagpapadevelop, madali ko rin nakuha ang pics ko. More or less under 30 minutes and waiting time.

Out of the ordinary ang nangyari kahapon kasi nakilala ko ang pamangkin ko sa father side na nagwowork doon mismo sa Fuji at late that evening, nagkausap kami ng tito ko. Wow! After some time, meron na rin akong nakilalang kamag-anak. Sana lang magkaroon kami ng time ng brother ko na mabisita sila minsan.

The other good thing was, nakilala ko si Mr. Rudy Fontanilla. He was a retired military officer, kasabayan nina Gringo Honasan pero di sya graduate ng PMA. Nagretire sya sa service in the 80's, nagmigrate sa US, at doon kumuha ng formal course sa photography. Kahit noong nasa service pa sya, sya ang kumukuha ng mga pictures pag me mga military investigation at definitely, ang ganda ng kanyang exposure noon pa man.

Madalas syang out of the country at kumukuha ng mga wedding pictures. Member sya ng wedding federations at talagang kilala sya. At devoted film photographer sya which he prefers over digital cams. Syempre, given the years of experience, talagang master na nga nya ang craft nya.

Ang saya ng work nya kasi nga naman, nag eenjoy ka na, naiikot mo ang mundo, at kumikita ka pa. Para sa akin, yan ang tamang timpla ng isang rewarding career.

He offered me a ride papuntang Banawe, sa may Aperture, isang company selling photography products. Di ko akalain na ganon sya ka accommodating at along the way, marami syang na-iishare.

I found out later on na kababayan ko pala sya at nagkwentuhan na kami through our native dialect at two years ago, namyesta pa sya sa town namin. Ang saya! Pag umuuwi lang ako nakakapagsalita ng dialect namin and it is really something wonderful na meron kang makakasama at makakasalamuha na pareho kayong nagkakaintindihan.

Sana, pagdating ng panahon, me ma experience din akong ganong opportunity na kumita through my hobby. Wish ko lang.

Thursday, April 23, 2009

Baha

Sa sobrang lakas ng buhos ng ulan kahapon, grabe ang baha sa UST at sa paligid nito, lalo na sa Espana. Ung harap ng Engineering building akala mo isang pond, hehe, pwede nang magpakawala ng isdang coy. Buti na lang at na filter ung tubig baha at malinaw ang tubig. Akalain mo bang simula sa island na tapat ng Engineering bldg e kailangan mong tumulay sa mga silyang monoblocks hanggang marating mo ang guard house. Haha first time ko ma experience yon. Honestly, ngayon ko lang ito naranasan.

Sobrang maraming tao ang stranded sa daan, lalo na noong tanghali pa lang kasi di na halos madaanan ang tapat ng UST.

Sayang nga at di ko dala ang camera ko, huhu. Sarap sana makakuha ng mga baha moments within UST at along Espana. Di bale, mukhang marami-raming baha pa ang darating this year. Hehe

At sabi nga ng mga senior students sa mga freshman at sophomore, "HINDI KA TAGA UST PAG DI MO MARANASAN ANG LUMUSONG SA BAHA."

  © Free Blogger Templates 'Greenery' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP